“AKO AT ANG AMA AY IISANG DIYOS.”  PART 1  By Aquino Bayani
Holy Trinity
“Ako at ang Ama ay iisa.” (Jn 10:30)
Sipi mula sa:  The false teachings of Iglesia ni Cristo (stop  the anti christ movement):https://www.facebook.com/groups/114596372000561/permalink/393230987470430/
Jlou Tagbacaola Bolpa: Juan 10:30 “Ako at ang Ama ay iisa.”BAKIT PO SA TALATANG ITO IISA SILA? At saan po sila sa pagiging iisa?
Jlou Tagbacaola Bolpa: DI PO TAO “LANG” SI CRISTO, TAO PO SI CRISTO, WAG PO KAU GAGAMIT NG “LANG” LALABAS PO KASI PINAKAKABANG PANGTAWAG PO UN MAY “LANG O LAMANG”, IBANG UNG TAO SI CRISTO AT IBA NAMAN PO UNG TAO “LAMANG”
Aquino Bayani: Jlou Tagbacaola Bolpa, sino naman ang niloloko mo? Sarili mo? Compared with God, lahat ng nilalang ay tao lamang.  Para sa inyong mga INC, si Kristo ay isang purong nilalang.  Di tamang tawagin siyang tao lamang kung sa punto de vista nio titingnan.
Aquino Bayani: Sa Juan 10:30, Si Kristo at Ama ay iisang Espiritu.  Ang Diyos ay Espiritu.  Kaya, si Kristo at Ama ay iisang Diyos.
Jlou Tagbacaola Bolpa: Aquino Bayani binasa mo ba juan 10:27-30? di mo ata binasa ang unang talata, try mong basahin kung saan sila naging iisa
Jlou Tagbacaola Bolpa: kaya nga kayu ang mali , kasi hindi TAO LAMANG SI KRISTO KUNDI TAO
Jlou Tagbacaola Bolpa: IKAW MAY MALI IKAW GUMAGAMIT NA SALITANG LANG O LAMANG KAYA MALI NA INTRO MO Aquino Bayani
Jlou Tagbacaola Bolpa: Aquino Bayanii Sa Juan 10:30, Si Kristo at Ama ay iisang Espiritu.  Ang Diyos ay Espiritu.  Kaya, si Kristo at Ama ay iisang Diyos.
NAKAKATAWA KA NAMAN JUAN10:30 LANG ANG BINASA MO, BAT DI MO BINASA ANG JUAN10:27-30
Aquino Bayani: Jlou Tagbacaola Bolpa, Ikaw ang nakakatawa. Hwag mong basahin ang Juan 10:27-30 lang, basahin mo ang buong Bibliya!
Lance Juson: ^Hahaha tama.
Jlou Tagbacaola Bolpa: Aquino Bayani Sa Juan 10:30, Si Kristo at Ama ay iisang Espiritu.  Ang Diyos ay Espiritu.  Kaya, si Kristo at Ama ay iisang Diyos.
NAKABASA KALANG NG IISA, DIYOS NA AGAD, WAWANG NILALANG ANG PAGANONG TO.
Jlou Tagbacaola Bolpa: nakabasa kalang ng iisa Aquino Bayani DIYOS na agad?
Jlou Tagbacaola Bolpa: Aquino Bayani paliwanag mo kung bakit sa juan 10;30 SILA ay iisa?
Jlou Tagbacaola Bolpa: Juan 10:27 “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin:”
Juan 10:28 “At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.”
Juan 10:29 “Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.”
Juan 10:30 “Ako at ang Ama ay iisa.”
+++
ANG PAGPAPASINUNGALING SA MGA MALING ARAL NG MGA IGLESIA NI CRISTO 666:
“AKO AT ANG AMA AY IISANG DIYOS.”  (CF JUAN 10:30)
Iginigiit ng mga kampon ng Iglesia ni Cristo ni Manalo, Manalo, Manalo (INC 666) na ang paliwanag ng Juan 10:30 (“Ako at ang Ama ay iisa.”) ay masusumpungan lamang sa mga naunang berso dito, partikular na ang Juan 10:27-29.
Ang gustong palabasin kasi ng mga INC 666 ay ang sinabi daw ni Jesus sa Juan 10:30 ay nangangahulugang “Ako at ang Ama ay iisang layunin” lang upang itago ang pagka-Diyos ni Jesus na pilit nilang itinatanggi.
Wala naman tayong tutol sa isang kahulugan na iyan ng Juan 10:30.  Pero, may mga kahulugan pa ang Juan 10:30 na mas malalim at mas matimbang kaysa sa simpleng “Ako at ang Ama ay iisang layunin,” gaya ng, “Ako at ang Ama ay iisang Espiritu” o “Ako at ang Ama ay iisang Diyos.”
Tanungin kaya natin ang Panginoong Jesus para maresolba na ang isyu na ito: Panginoong Jesus, kami po ba’y maniniwala na ang ibig ninyong sabihin sa Juan 10:30 ay tanging sa Juan 10:27-29lamang matatagpuan ang kasagutan?  Ani Jesus:
Nguni’t sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Nangagkakamali kayo, sa hindi pagkaalam ng mga kasulatan, ni ng kapangyarihan man ng Dios.  (Mt 22:29)
Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), (Jn 10:35)
Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.  (Jn 5:39)
Iyon naman pala eh. Napakahalaga naman pala ng Kasulatan (Scriptures o Old Testament) dahil ang mga ito’y nangagpapatotoo kay Jesus at hindi lang ang Juan 10:27-29.
Baka iba naman ang paniniwala ng mga naunang Kristiyano?  Tanungin nga rin natin si Pablo: Apostol Pablo, kami po ba’y basta-basta na lang maniniwala sa mga salita ng ebanghelyo?  Ani Pablo:
Ngayon lalong naging mararangal ang mga ito kay sa mga taga Tesalonica, sapagka’t tinanggap nila ang salita ng buong pagsisikap, at sinisiyasat sa araw-araw ang mga kasulatan, kung tunay nga ang mga bagay na ito.  (Act 17:11)
Ayon, napakahalaga din pala ng Kasulatan sa mga naunang Kristiyano!  Isipin niyo, sinisiyat nila sa araw-araw ang mga Kasulatan upang patunayan kung tunay nga ang mga salitang tinatanggap nila.
Ano ba ang tinutukoy na salita ni Pablo?  Heto:
Salita ng Ebanghelyo:
Pagkatapos ng maraming talakayan, tumindig si Pedro at sinabi sa kanila, “Mga ginoo, mga kapatid, nalalaman ninyo na noong mga unang araw ay pumili ang Diyos sa inyo, na sa pamamagitan ng aking bibig ay mapakinggan ng mga Hentil ang salita ng ebanghelyo, at sila’y manampalataya.  (Act 15:7)
Salita ng Katotohanan, ang Ebanghelyo ng inyong Kaligtasan:
Sa kanya’y kayo rin naman, na nakarinig ng salita ng katotohanan, ang ebanghelyo ng inyong kaligtasan, at kayo na sumampalataya sa kanya, ay tinatakan ng ipinangakong Espiritu Santo.  (Eph 1:13)
Dahil sa pag-asa na nakalaan para sa inyo sa langit, na inyong narinig noong una sa salita ng katotohanan, ang ebanghelyo, (Col 1:5)
Samakatuwid, marapat lang na siyasatin natin ang Kasulatan upang maliwanagan tayo kung ano ang mas malalim at mas matimbang na kahulugan ng Juan 10:30 bukod sa “Ako at ang Ama ay iisang layunin.”
“AKO AT ANG AMA AY IISANG DIYOS.”  (CF JUAN 10:30)
Mga patotoo ng Bibliya:
Ayon sa Salita:
Dumating siya sa Nazaret [si Jesus] na kanyang nilakhan.  Siya’y pumasok sa sinagoga nang araw ng Sabbath, tulad ng kanyang nakaugalian at tumindig siya upang bumasa, at ibinigay sa kanya ang aklat ni propeta Isaias. Binuksan niya ang aklat, at natagpuan ang dako na kung saan ay nasusulat:
“Ang Espiritu ng Panginoon ay nasa akin, sapagkat ako’y hinirang niya upang ipangaral ang magandang balita sa mga dukha.  Ako’y sinugo niya upang ipahayag ang paglaya sa mga bihag, at ang muling pagkakaroon ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naaapi, upang ipahayag ang taon ng biyaya mula sa Panginoon.”
Isinara niya ang aklat, isinauli ito sa tagapaglingkod at naupo.  At ang mga mata ng lahat ng nasa sinagoga ay nakatutok sa kanya.  At siya’y nagsimulang magsabi sa kanila, “Ngayo’y naganap ang kasulatang ito sa inyong pandinig.”  (Lk 4:16-21)
Ayon sa Kasulatan:
Ang Espiritu ng Panginoong Diyos ay sumasaakin; sapagkat hinirang ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabuting balita sa inaapi kanyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magpahayag ng kalayaan sa mga bihag, at buksan ang bilangguan sa mga bilanggo; upang ihayag ang kalugud-lugod na taon ng Panginoon, at ang araw ng paghihiganti ng ating Diyos; upang aliwin ang lahat ng tumatangis; (Isa 61:1-2)
NAPAKALINAW PO: ANG ESPIRITU NG PANGINOONG DIYOS AY SIYA RING ESPIRITU NI JESUS!
Heto pa:
Ayon sa Salita:
Nang malaman ito ni Jesus ay umalis siya roon.  Sinundan siya ng marami at pinagaling niya silang lahat, at ipinag-utos niya sa kanila, na siya’y huwag nilang ipamamalita.  Ito ay upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias, na sinasabi:
“Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa.  Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu, at ipahahayag niya ang katarungan sa mga Hentil.  Hindi siya makikipagtalo, o sisigaw, o maririnig ng sinuman ang kanyang tinig sa mga lansangan.”  (Mt 12:15-19)
Ayon sa Kasulatan:
Narito ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa.  Inilagay ko ang aking Espiritu sa kanya; siya’y maglalapat ng katarungan sa mga bansa.  Siya’y hindi sisigaw, o maglalakas man ng tinig, o ang kanyang tinig man sa lansangan ay iparirinig.  (Isa 42:1-2)
NAPAKALINAW NA NAMAN PO: ANG ESPIRITU NG PANGINOONG DIYOS AY SIYA RING ESPIRITU NI JESUS!
Heto pa po:
Ayon sa Salita:
Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig, at nabuksan sa kanya ang kalangitan, at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kanya.  Sinabi ng isang tinig mula sa langit, “Ito ang minamahal kong Anak, sa kanya ako lubos na nalulugod.”  (Mt 3:16-17)
Ayon sa Kasulatan:
May usbong na lalabas mula sa tuod ni Jesse, at sisibol ang isang sanga mula sa kanyang mga ugat.  At ang Espiritu ng Panginoon ay sasakanya, ang diwa ng karunungan at ng unawa, ang diwa ng payo at ng kapangyarihan, ang diwa ng kaalaman at ng takot sa Panginoon; at ang kanyang kalulugdan ay ang takot sa Panginoon.  (Isa 11:1-3)
WALA PONG BAHID NG ALINLANGAN: ANG ESPIRITU NG PANGINOONG DIYOS AY SIYA RING ESPIRITU NI JESUS!  MANIWALA KAYO ALANG-ALANG SA INYONG MGA KALULUWA!
Ngayon, ang Juan 10:30 ay pwede ngang “Ako at ang Ama ay iisang layunin” sapagkat “Ako at ang Ama ay iisang Espiritu!”  Kung magkaibang Espiritu ang Ama at Anak, tiyak na hindi iisang layunin Sila.
At isa pa, ang Diyos ay Espiritu:
“Ang Diyos ay espiritu, at ang mga sumasamba sa kanya ay kailangang sumamba sa espiritu at katotohanan.”  ( Jn 4:24).
Samakatuwid, ang tunay at tapat na kahulugan ng Juan 10:30 ay ganito:
“AKO AT ANG AMA AY IISANG DIYOS.”
Amen.