Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, siya'y tumingala sa langit at ang wika, "Ama, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya.  Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo sa kanya.  Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo.  Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin.  Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.”  (Jn 17:1-5, MBB)
Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, siya’y tumingala sa langit at ang wika, “Ama, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya. Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng ibinigay mo sa kanya. Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo. Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.” (Jn 17:1-5, MBB)
ANG MALING TURO NG MGA ANTICRISTO:
Ipinapangalandakan ng Iglesia ni Cristo (INC) ang kanilang maling turo na hindi Diyos ang Panginoong Jesucristo sapagkat hindi daw Niya ipinakilala ang sarili Niya na siya ang tunay na Diyos sa Juan 17:3 kundi ang Ama lamang:
  • “Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo.” (Jn 17:3, Magandang Balita Biblia)
Ang salin sa Ingles:
  • And this is life eternal, that they might know thee the only true God, and Jesus Christ, whom thou hast sent. (Jn 17:3, King James Version)
TAMA BA ANG MALING TURO NG INC?
Hindi po.  Kahit kailan hindi pwedeng maging tama ang maling turo ng INC.
Kung uunawain nating mabuti ang sinabi ng Panginoong Jesucristo sa Juan 17:3, ipinahihiwatig niyang ang iisa at tunay na Diyos ay ang Ama at Siya (si Jesucristo) na sinugo ng Ama:
  • Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo. (Jn 17:3, MBB)
Tandaan na sinabi mas maaga ng Panginoong Jesucristo na Siya at ang Ama ay iisa:
  • “Ako at ang Ama ay iisa.” (Jn 10:30, MBB)
Kung ang Panginoong Jesucristo at ang Ama ay iisa, at ang Ama ay ang iisa at tunay na Diyos, samakatuwid, ang Panginoong Jesucristo at ang Ama ay iisa at tunay na Diyos!
Ang katotohanang iyan ng Diyos ay pinatotohanan ng Diyos Ama mismo nang tawagin Niya ang Panginoong Jesucristo na “O Diyos” at “Panginoon” na “lumikha ng sangkalupaan at sangkalangitan” sa mga talatang ito:
  • At kung paanong higit na di-hamak ang pangalang ibinigay ng Diyos sa Anak, gayon din, siya’y higit na di-hamak sa mga anghel. Sapagkat hindi kailanman sinabi ng Diyos sa sinumang anghel, “Ikaw ang aking Anak! Ako ang iyong Ama.” hindi rin niya sinabi sa kaninuman sa mga anghel, “Ako’y magiging kanyang Ama, At siya’y magiging Anak ko.”  At nang susuguin na ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”  Tungkol naman sa mga anghel ay sinabi niya, “Ginawa niyang hangin ang kanyang mga anghel, At ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.”  Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos (O Anak), ay magpakailan pa man, Ikaw ay maghaharing may katarungan.  Kinalulugdan mo ang paggawa ng matuwid, Ngunit ang pagsuway ay kinamumuhian, Kaya’t hinirang ka ng Diyos (Ama), na iyong Diyos (na iyong Ama), At pinuspos ng kagalakan—Higit sa mga kasama mo.”  Sinabi pa rin niya, “Ikaw, Panginoon (Anak), ang lumikha ng sangkalupaan, At ang iyong kamay ang gumawa ng sangkalangitan.   Ang mga ito’y pawang mapaparam, Ngunit mananatili ka magpakailan- man.  Maluluma silang lahat gaya ng kasuutan; At babalumbunin mo gaya ng isang balabal, At tulad ng damit, sila’y papalitan.  Subalit ikaw ay mananatiling ikaw, At hindi tatanda o mamamatay man.”  (Heb 1:4-10, MBB, diin akin)
ANGAL NG INC: BAKIT KASI HINDI NA DEREKTANG SINABI NI JESUCRISTO NA SIYA AY DIYOS?
Nakalimutan ng INC o sadyang walang kamuwang-muwang ang INC na ang kaisipan at kaparaanan nila ay hindi kaisipan at kaparaanan ng Panginoong Jesucristo o ni Yahweh:
  • Ang sabi ni Yahweh, “Ang aking kaisipa’y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan. (Is 55:8-9, MBB)
BAKIT NGA NA NAGPAPAHIWATIG LANG ANG PANGINOONG JESUCRISTO NA SIYA AY DIYOS NOONG SIYA AY NAMUHAY NA BILANG ISANG TAO SA BALAT NG LUPA?
Bago natin sagutin iyan, basahin muna natin ang isa lang sa napakaraming pahiwatig ng Panginoong Jesucristo na siya ay tunay na Diyos noong Siya ay namuhay na bilang isang Tao sa balat ng lupa:
  • Kaya sinabi ko sa inyo na mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan. Mamamatay nga kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako’y si Ako Nga’.” (Jn 8:24, MBB)
Sa Juan 8:24, nagpahiwatig ang Panginoong Jesucristo na Siya ay si Yahweh ng Lumang Tipan:
  • Sinabi ni Moises, “Pupunta ako sa mga Israelita at sasabihin sa kanilang ako’y sinugo ng Diyos ng aming ninuno. Ngunit ano po ang sasabihin ko kung itanong nila kung sino ang nagsugo sa akin?” Sinabi ng Diyos, “Ako’y si Ako Nga. Sabihin mong sinugo ka ni Ako Nga, ni Yahweh, ng Diyos ng inyong mga ninuno, ng Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin magpakailanman.” (Ex 3:13-15, MBB)
Kaya ito ang sagot sa tanong sa itaas:
Nagpapahiwatig lang ang Panginoong Jesucristo na siya ay tunay na Diyos noong Siya ay namuhay na bilang isang Tao sa balat ng lupa sapagkat kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin:
  • Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya’y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatilinga kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin.  Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.  At nang si Cristo’y maging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.  (Fil 2:5-8, MBB)
Kung tuwirang sinabi ng Panginoong Jesucristo na Siya ay Diyos noong Siya ay namuhay na bilang isang Tao sa balat ng lupa, lalabas na sinungaling Siya, lalong lalo na sa mga taong maiiksi ang pang-unawa kagaya ng INC, sapagkat hinubad nga niya ang pagiging kapantay ng Diyos at naging katulad ng isang alipin, tulad nating mga karaniwang tao.
KUNG HINDI DEREKTANG INIHAYAG NG PANGINOONG JESUCRISTO NA SIYA AY DIYOS, PAPAANO NATIN NAPAGTANTO O NALAMAN NA SIYA NGA AY TUNAY NA DIYOS?
Maraming kadahilanan pero magbabanggit lang ako ng dalawa.
UNA:
Nang mabuhay na muli ang Panginoong Jesucristo, ang Kanyang katawang tao ay napalitan ng katawang maluwalhati o katawang panlangit at lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay ibinigay na sa kanya, na ang ibig sabihin ay pinanumbalik sa Kanya ang hinubad Niyang pagiging kapantay ng Diyos kung kaya walang pag-aatubili si Tomas na naniwalang si Cristo nga ay kanyang Panginoon at Diyos:
  • Pagdating ng araw na yaon, babaguhin niya ang ating katawang-lupa at gagawing maluwalhati, tulad ng kanyang katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay. (Fil 3:21, MBB)
  • May mga katawang panlangit at mayroon namang panlupa; iba ang kagandahang panlupa at iba ang kagandahang panlangit. Iba ang liwanag ng araw, iba naman ang liwanag ng buwan, at iba rin ang liwanag ng mga bituin, sapagkat maging ang mga bituin ay magkakaiba ang liwanag. Ganyan din sa muling pagkabuhay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay; pangit at mahina nang ilibing, maganda’t malakas kapag muling nabuhay; inilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay bilang katawang panlangit. Kung may katawang panlupa, mayroon ding katawang panlangit. Ganito ang sinasabi sa kasulatan, “Ang unang tao, si Adan, ay nilikhang binigyan ng buhay;” ang huling Adan ay Espiritung nagbibigay buhay.  Ngunit hindi nauna ang panlangit; ang panlupa muna bago ang panlangit.  Ang unang Adan ay mula sa lupa, sapagkat nilikha siya mula sa alabok; ang pangalawang Adan ay mula sa langit.  Ang katawang panlupa ay katulad ng nagmula sa lupa; ang katawang panlangit ay katulad ng nagmula sa langit.  (1Cor 15:40-48, MBB)
  • Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.” (Mt 28:18, MBB)
  • Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.” (Jn 20:28-29, MBB)
Maiksing paglilinaw:
Mula sa walang hanggan hanggang sa sinugo ng Diyos Ama ang Panginoong Jesucristo sa sinapupunan ng Mahal na Inang Birheng Maria upang Siya ay maging Tao, ang Panginoong Jesucristo ay nasa anyong Espiritu sapagkat Siya ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat na lumalang sa lahat.
Pero nang magkatawang tao ang Espiritu ni Jesucristo, parang hinubad na rin Niya ang Kanyang pagka-Diyos sapagkat ang katawang lupa ay pabigat sa Kanyang Espiritu kagaya ng pagiging pabigat ng katawang lupa sa mga pangkaraniwang tao:
  • Sapagkat ang aming kaluluwa ay binabatak na pababa ng aming katawang ang hantungan ay kamatayan. Ang aming katawang lupa ay pabigat sa isipang punung-puno ng mga panukala. (Kar 9:15, BMBB)
Ngunit nang mabuhay na muli ang Panginoong Jesucristo, bumalik ang pagka-Diyos Niya sapagkat nawala na ang katawang lupa Niya na pabigat sa Kanyang Espiritu at pagka-Diyos.  Ang katawang lupa ng Panginoong Jesucristo ay napalitan nga ng Espirituwal na Katawan o Katawang Panlangit na hindi na pabigat sa Kanyang Espiritu o pagka-Diyos, kaya nga nanumbalik sa Panginoong Jesucristo ang Kanyang pagiging Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
PANGALAWA:
Nang ang espiritu ni Juan ay iniakyat sa langit sa utos ng Panginoong Jesucristo na nakaluklok sa kanan ng Ama, napag-alaman niya na ang Panginoong Jesucristo at ang Diyos Ama ay iisang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat:
Sinabi ni Juan:
  • Pagkatapos kong masaksihan ang mga bagay na ito, nakita ko sa langit ang isang bukas na pinto. At muli kong narinig ang tinig na parang tunog ng isang trumpeta, na ang sabi sa akin, “Umakyat ka rito, at ipapakita ko sa iyo kung ano pang mga mangyayari pagkatapos nito.” At agad akong napuspos ng kapangyarihan ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ang isang nakaupo roon.  Ang anyo niya’y maningning na parang mahahalagang batong jasper at kornalina. May isang bahagharing nagniningning na parang esmeralda sa palibot ng trono.  (Pah 4:1-3, MBB)
  • Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga sumibat sa kanyang tagiliran; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Ganoon nga ang mangyayari. Amen! “Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating. (Pah 1:7-8, MBB)
Sino ba ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na Diyos din sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating na may sumibat sa kanyang tagiliran?
Siya ay walang iba kundi ang Panginoong Diyos Jesucristo, sangayon sa mga talatang ito:
Sinabi ni Juan:
  • Noo’y araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pamamahinga (sapagkat dakila ang Araw ng Pamamahingang ito). Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali nito ang mga binti ng mga ipinako sa krus, at alisin doon ang mga bangkay. Naparoon nga ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Jesus. Ngunit pagdating nila kay Jesus at makitang patay na siya, hindi na nila binali ang kanyang binti.  Subalit inulos ng sibat ng isa sa mga kawal ang tagiliran ni Jesus, at biglang dumaloy ang dugo at tubig.  (Jn 19:31-34, MBB)
Sinabi ni Jesucristo at ni Juan:
  • Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng ito, “Tiyak na nga! Darating na ako!” Sana’y dumating ka na, Panginoong Jesus! (Pah 22:20, MBB)
Kaya nang bumalik ang espiritu ni Juan sa lupa at isinulat niya ang kanyang mga aklat para sa Bibliya, siya ay nakatitiyak na ang Panginoong Jesucristo ay tunay na Diyos at ito ay kanyang walang alinlangang inihayag:
  • Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita (Jesucristo). Kasama ng Diyos ang Salita (Jesucristo) at ang Salita (Jesucristo) ay Diyos. Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa. Sa pamamagitan niya (Jesucristo) nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.  (Jn 1:1-3, MBB, diin akin)
  • At nalalaman nating naparito ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo’y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Ito ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan. (1Jn 5:20, MBB)
Ang mga salin sa Ingles:
  • In the beginning [before all time] was the Word (Christ), and the Word was with God, and the Word was God Himself. He was present originally with God. All things were made and came into existence through Him; and without Him was not even one thing made that has come into being.  (Jn 1:1-3, Amplified Bible)
  • And we [have seen and] know [positively] that the Son of God has [actually] come to this world and has given us understanding and insight [progressively] to perceive (recognize) and come to know better and more clearly Him Who is true; and we are in Him Who is true—in His Son Jesus Christ (the Messiah). This [Man] is the true God and Life eternal. (1Jn 5:20, AMP)
ANG PATOTOO NI JUAN SA MGA NALALAMAN AT ISINULAT NIYA TUNGKOL SA PANGINOONG JESUCRISTO:
  • Ang nakakita nito ang nagpapatotoo—tunay ang kanyang patotoo at alam niyang katotohanan ang sinabi niya—upang kayo’y maniwala. (Jn 19:35, MBB)
SAMAKATUWID, ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN AY ANG KILALANIN ANG AMA AT ANG ANAK NIYANG SI JESUCRISTO NA SINUGO NIYA NA IISA AT TUNAY NA DIYOS!