Wednesday, April 22, 2015

Paglilinaw sa Paniniwalang Katoliko Hinggil sa Diyos Ama at Diyos Anak by Aquino Bayani

Fridolin_Leiber_-_Holy_Trinity
For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one. (1Jn 5:7, KJV)
Source:  PAGLILINAW (Sa Paniniwalang Katoliko) DEBATE FORUM
Christina Dela Cruz


Christina Dela Cruz
Ang Dios ng Kristiano, convertable?
Noong nasa langit pa ang Diyos, ang tawag sa kanya ay, “Diyos Ama.”
Nang magkatawang-tao na at bumaba sa lupa, ang tawag na sa kanya ay “diyos anak” na.
about 2 weeks ago
Aquino Bayani

Aquino Bayani
Mga kapatid, ang Diyos ay Espiritu. Ang Panginoong HesuKristo ay Diyos na nagkatawang tao (Jn 1:14; 1Tm 3:16). Ang Espiritu ng Diyos at Espiritu ng Panginoong HesuKristo ay iisa (Jn 10:30). Ang Diyos ay iisa pero Siya’y pinakamakapangyarihan sa lahat, at ang pag-bilocation ay isang child’s play lang sa Kanya. Ang Diyos ay palaging nasa langit at ang inutusan niyang Diyos para lalangin ang lahat lahat ay ang kanyang Bilocation o sariling Espiritu Niya na nananahan sa Kaluluwa ni Kristo na tinawag niyang Anak sapagkat Siya’y galing sa Kanyang sinapupunan (bosom, Jn 1:18). Ang kaluluwa ni Kristo ay begotten ng Diyos kaya natural na mababa ito kesa sa Espiritu ng Diyos, pero ang parehong Espiritu ng Diyos ay na-infused nga sa Kaluluwa ni Kristo kaya Siya at ang Ama ay tunay na iisang Diyos. God bless us all.
September 9 at 9:00pm via mobile
Christina Dela Cruz


Christina Dela Cruz
Saan mababasa sa Bibliya na sinabi ng Diyos mismo o ni Jesus mismo ang mga ganya ipinaliwanag mo kapatid na Aquino. Magbigay po tayo ng malilinaw na ebedensya sa bawat sinasabi natin. Huwag pong sariling opinyon lamang.
September 9 at 9:16pm via mobile
Aquino Bayani

Aquino Bayani
Mga kapatid. Kaya hindi natin maunawaan ang hiwaga ng Diyos ay dahil sa isang maling paniniwala nating mga sangkatauhan na tayo ay gawa sa katawan at kaluluwa lamang. Mayroon din po tayong espiritu, ayon na rin kay San Pablo: “Nawa’y lubusan kayong pabanalin ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan—ang espiritu, kaluluwa, at katawan—hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo (1Thes 5:23).”
Ito naman ang sinabi ng Aklat ng Karunungan (Wisdom): “Dahil sa hindi niya kinilala ang Lumikha na nagkaloob sa kanya ng isang may bisang kaluluwa, ng isang buhay na espiritu (Kar 15:11).” Sa Ingles ay ganito: “Because he knew not the one who fashioned him, and breathed into him a quickening soul, and infused a vital spirit (Wis 15:11, NAB).”
Ang espiritu ng pangkaraniwang tao ay “spark” na galing sa Espiritu ng Diyos kaya ito ay nagtataglay ng sariling buhay, na siya ring bumubuhay sa ating mga nilalang na kaluluwa at katawan. Ang Espiritu ng Panginoong HesuKristo ay hindi isang “spark” lamang kundi ang Espiritu ng Diyos mismo na pinanggagalingan ng mga espiritu natin na mga “spark” lang ng Kanyang hindi lalang na Espiritu ng Diyos. Ayon sa Bibliya: “Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo nang siya’y maging tao (Col 2:9).”
Ito naman ang patotoo ng Panginoong HesuKristo na ang Espiritu ng Diyos (o ng Ama) ay nasa Kanyang Kaluluwa, at ang Kanyang Kaluluwa ay nasa Ama (o Espiritu ng Diyos):
“Ngunit kung ginagawa ko iyon, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa, kung ayaw man ninyo akong paniwalaan. Sa gayon, matitiyak ninyong nasa akin ang Ama at ako’y nasa kanya (Jn 10:38).”
“Hindi ka ba naniniwalang ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: ako’y sumasa-Ama at ang Ama’y sumasaakin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito (Jn 14:10-11).”
Kaya nga ang nasusulat ay ganito: “Ang Diyos ay Espiritu kaya dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan (Jn 4:24), ” na ang ibig sabihin ay dapat sambahin natin Siya sa pamamagitan ng ating espiritu – lalang na espiritu natin ang dapat sumamba sa hindi lalang na Espiritu ng Diyos at ni Kristo: “Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Espiritu ni Cristo’y wala sa isang tao, hindi siya kay Cristo (Rom 8:9).” Nabasa ba niyo, mga kapatid, na interchangeable ang Espiritu ng Diyos at Espiritu ni Kristo na nananahan sa ating kaluluwa? Iyan ay sapagkat Sila’y Iisa: “Ako at ang Ama ay iisa (Jn 10:30).”
September 9 at 11:03pm

No comments:

Post a Comment