Wednesday, April 22, 2015

Utos din daw ba ng Diyos na tawaging Papa ang Santo Papa? by Aquino Bayani

Source: PAGLILINAW (Sa Paniniwalang Katoliko)III

Utos din daw ba ng Diyos na tawaging Papa ang Santo Papa? by Aquino Bayani

high-priest-jesus
Where Jesus has entered on our behalf as forerunner, becoming high priest forever according to the order of Melchizedek.  (HEB 6:20)
Aquino Bayani1
Aquino Bayani Sabi ni Gagam Bala kay Nonette Guita Aducal: MAY TANONG AKO SAYO MANAY DI MO PA SINASAGOT^^… BAKIT PAPA ANG TAWAG NYO SA SANTI FAFA NYO?? UTOS DIN BA NG DIOS YUN?

Ano daw? SANTI FAFA? Kung tama ang intindi ko sa binabaeng salita ni Gagam Bala, baka SANTO PAPA yun.
Utos din daw ba ng Diyos na tawaging Papa ang Santo Papa? Puwes, sangguniin natin ang Bibliya kung may tama ba si Gagam Bala o tinamaan siya ng lintek?
Sabi ng Hebrews 6:19-20: “Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay, at ito’y umaabot hanggang sa kabila ng tabing ng templo, hanggang sa Dakong Kabanal-banalan. Si Jesus ay naunang pumasok doon alang-alang sa atin, at naging Pinakapunong Pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec. ”
Ito naman ang sabi ng Mark 14:53: “Dinala nila si Jesus sa pinakapunong pari at nagtipon ang lahat ng mga punong pari, matatanda at mga eskriba.”
Nabasa niyo yun? Pag may pinakapunong pari daw ay mayroon din mga punong pari. E sino ba ang unang Punong Pari (Vicar o Pope) ng Pinakapunong Pari magpakailanman na si Jesus? Ito siya o, basa:
Sinabi niya sa kanya sa ikatlong pagkakataon, “Simon, anak ni Juan, minamahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro sapagkat tatlong ulit nang sinabi sa kanya, “Minamahal mo ba ako?” At sinabi niya sa kanya, “Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay. Nalalaman mo na minamahal kita.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Pakainin mo ang aking mga tupa.” (Jn 21:17)
Sabi ng punong mangangaral at tagapagtatag ng MCGI/ADD na ang puganteng bakla na si Eliseo Soriano, mali daw ang mga batang Katoliko sa pagtawag ng Papa Jesus. May tama ba siya o tinamaan siya ng lintek?
Tanungin nga natin ang propeta: “Mang Isaias, pwede po ba naming tawagin Siyang Papa Jesus?” Ito sagot ng propeta Isaias:
“Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.” (Isa 9:6)
Angkop na angkop kay Papa Jesus, di po ba? Si Papa Jesus ang Pinakapunong Pari magpakailanman at Walang Hanggang Ama!
Baka may angal ang mga kaanib ng Ang Dating Daan at sabihing, “Opinyon lang iyan ng matandang propeta eh. Pakitaan mo kami ng sitas na nagpapatawag na Ama si Jesus mismo, at yun ang paniniwalaan namin.”
Aba’y di sige. Ito o:
“Ako ang magiging ama ninyo, at kayo’y magiging mga anak ko,”sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat. (2Cor 6:18)
“Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos, na siyang ngayon at ang nakaraan at ang darating, ang Makapangyarihan sa lahat. (Rv 1:8)
Ang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsasabi, “Oo, ako’y malapit nang dumating.” Amen. Pumarito ka Panginoong Jesus! (Rv 22:20)
Napakalinaw ang mga salita ni Papa Jesus. Tanga na lang ang hindi makaintindi niyan.
May hirit pa ang mga ADD: “E si Pedro saan nakasulat na tawagin niyo siyang Papa Pedro?”
Aba’y mayroon din. Ito o, sabi ni Papa Pedro:
Binabati kayo ng babaing nasa Babilonia, na kasama ninyong hinirang at ni Marcos na aking anak. (1Pt 5:13)
Sa English:
The chosen one at Babylon sends you greeting, as does Mark, my son. (1PT 5:13)
Footnote ng 1 Peter 5:13: The chosen one: feminine, referring to the Christian community (ekklesia) at Babylon, the code name for Rome in Rev 14:8; 17:5; 18:2. Mark, my son: traditionally a prominent disciple of Peter and co-worker at the church in Rome, perhaps the John Mark referred to in Acts 12:12,25; 13:5,13; and in Acts 15:37-39, a companion of Barnabas. Perhaps this is the same Mark mentioned as Barnabas’s cousin in Col 4:10, a co-worker with Paul in Phl 1:24 (see also 2 Tim 4:11).
Nabasa niyo yon? Si Mark ay disipulo ni Papa Pedro na tinawag niyang anak. Kung anak si Mark, ano ang tawag niya kay Pedro? E di Papa Pedro. Alangan namang Tiyo Pedro. Wala nun.
Angal ng ADD: “Si Pedro iyon. E ang mga sumunod sa kanya, bakit tinawag niyong Papa rin?”
Ito o, basa:
Sapagka’t sa ganitong bagay kayo’y tinawag: sapagka’t si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo’y iniwanan ng halimbawa, upang kayo’y mangagsisunod sa mga hakbang niya: (1Pt 2:21)
Iyon naman pala iyon e. Wala palang tama sina Gagam Bala at ang diyos diyosan niyang binabae, kundi tinamaan pala sila ng lintek.

No comments:

Post a Comment