Christ the Creator
Si Cristo ay walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, at Siya ay Diyos noong nakaraan, sa kasalukuyan at sa magpakailanman
Divinity of Jesus Christ Revealed
Si Cristo ba ay taong ipinagdalang-tao lang ni Maria?
Ang linyang malimit gamitin ng mga anticristo upang sirain ang pagiging Diyos ni Cristo ay ang pagdadalang-tao sa Kanya ni Maria.  Ang tinutukoy nilang talata ay ito:
MT 1:18 Ganito ang pagkapanganak kay Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang pakasal. Ngunit bago sila nakasal, si Maria’y natagpuang nagdadalang-tao. (Ito’y sa pamamagitan ng Espiritu Santo.)  (Magandang Balita Biblia)
Sabi nila: Iyan ang katunayan na si Cristo ay tao lang sapagkat siya ay ipinagdalang-tao ni Maria at hindi siya ipinagdalang-Diyos!
Tama ba ang konklusyon nila?  Maling mali po.  Kaya patutunayan natin ang kanilang kabulaanan.
Si Cristo ay ipinagdalang-Diyos ng Diyos Ama mula pa sa kawalanghanggan sa Langit:
Mula sa kawalanghanggan sa Langit nasa sinapupunan ng Dios si Cristo at si Cristo ay ipinanganak ng Diyos bago Siya ipinagdalang-Tao ni Maria sa lupa:
JN 1:18 Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.  (Ang Biblia)
JN 1:18 Kailanma’y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng bugtong na Anak—siya’y Diyos—na lubos na minamahal ng Ama.
HEB 1:5 Sapagka’t kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako’y magiging kaniyang Ama, At siya’y magiging aking Anak?  (Ang Biblia)
Si Cristo ay Diyos na ipinagdalang-Tao ni Maria sa takdang panahon sa Lupa:
• Si Cristo na kilala bilang Salita ay Diyos na kasama ng Diyos Ama sa pasimula pa at sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay ay naging Tao:
JN 1:1-3 Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos.  Kasama na siya ng Diyos sa pasimula pa.  Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.
JN 1:14 Naging tao ang Salita at siya’y nanirahan sa piling natin. Nakita namin ang kanyang kapangyarihan at kadakilaan, puspos ng pag-ibig at katapatan. Tinanggap niya mula sa Ama ang kapangyarihan at kadakilaang ito bilang bugtong na Anak.
HEB 1:6-10 At nang susuguin na ng Diyos ang kanyang bugtong na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.”  Tungkol naman sa mga anghel ay sinabi niya, “Ginawa niyang hangin ang kanyang mga anghel, At ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.”  Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailan pa man, Ikaw ay maghaharing may katarungan.  Kinalulugdan mo ang paggawa ng matuwid, Ngunit ang pagsuway ay kinamumuhian, Kaya’t hinirang ka ng Diyos, na iyong Diyos, At pinuspos ng kagalakan—Higit sa mga kasama mo.”  Sinabi pa rin niya, “Ikaw, Panginoon, ang lumikha ng sangkalupaan, At ang iyong kamay ang gumawa ng sangkalangitan.”
• Si Cristo ay Diyos na kasama ng Diyos Ama sa pasimula pa at nang dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak na si Cristo upang maging Tao sa sinapupunan ni Maria:
JN 1:1-2 In the beginning [before all time] was the Word (Christ), and the Word was with God, and the Word was God Himself.  He was present originally with God.  (Amplified Bible)
GAL 4:4 Ngunit nang dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng babae, at namuhay sa ilalim ng Kautusan.
JN 1:14 And the Word (Christ) became flesh (human, incarnate) and tabernacled (fixed His tent of flesh, lived awhile) among us; and we [actually] saw His glory (His honor, His majesty), such glory as an only begotten son receives from his father, full of grace (favor, loving-kindness) and truth.
1JN 5:20 At nalalaman nating naparito ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo’y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Ito ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan.
• Si Cristo ay Diyos na ipinanganak tulad ng isang karaniwang tao:
PHIL 2:5 Magpakababa kayo tulad ni Cristo Jesus: Kahit siya ay Diyos, hindi siya nagpumilit na manatiling kapantay ng Diyos.  Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin.  Ipinanganak siyang tulad ng isang karaniwang tao.
• Si Cristo ay Diyos na nahayag nang maging Tao:
1TM 3:16  And great and important and weighty, we confess, is the hidden truth (the mystic secret) of godliness. He [God] was made visible in human flesh, justified and vindicated in the [Holy] Spirit, was seen by angels, preached among the nations, believed on in the world, [and] taken up in glory.
1TM 3:16 Napakahiwaga ng mga katotohanan ng ating relihiyon: Siya’y nahayag nang maging tao, At pinatotohanan ng Espiritu, Nakita ng mga anghel.  Ipinangaral sa sanlibutan, Pinaniwalaan ng lahat, At sa langit ay tinanggap.
• Si Cristo na Siya rin ang Emmanuel, ang Diyos na kasama natin, ay Diyos na ipinaglihi at ipinanganak ni Maria:
MT 1:23 “Maglilihi ang isang dalaga at manganganak ng isang lalaki, At tatawagin itong Emmanuel” (ang kahuluga’y “Kasama natin ang Diyos”).
LK 1:34 At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako’y hindi nakakakilala ng lalake?  At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.
Si Cristo ay walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, at Siya ay Diyos noong nakaraan, sa kasalukuyan at sa magpakailanman:
HEB 7:3 Na walang ama, walang ina, walang tandaan ng lahi, at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man, datapuwa’t naging katulad ng Anak ng Dios), ay nanatiling saserdote magpakailan man.
HEB 13:8 Si Jesu-Cristo noong nakaraan ay siya rin sa kasalukuyan at siya rin magpakailanman.
Konklusyon:
Samakatuwid, si Cristo ay dalawang beses ipinagdala:
Una, ipinagdalang-Diyos si Cristo ng Diyos Ama sa kawalanghanggan sa Langit.
Pangalawa, si Cristo ay Diyos na ipinagdalang-Tao ni Maria sa takdang panahon sa Lupa.
Maling mali po ang mga anticristo na nagsasabing si Cristo ay hindi Diyos sapagkat ipinagdalang-Tao lang Siya ni Maria.  Kaya totoong si Cristo ang TUNAY NA DIYOS.
At maling mali rin po ang mga antimaria na nagsasabing si Cristo ay hindi Diyos nang Siya ay ipinagdalang-Tao ni Maria.  Kaya totoong si Maria ang tunay na INA NG DIYOS.