So there are three witnesses in heaven: the Father, the Word and the Holy Spirit, and these three are One; (Amplified Bible)
So there are three witnesses in heaven: the Father, the Word and the Holy Spirit, and these three are One; (Amplified Bible)
Sa mga talakayan sa pagitan ng Katoliko at Iglesia ni Cristo, pag binanggit ng una ang Santisima Trinidad (Holy Trinity) sasagutin naman ng huli na walang nakakaunawa sa misteryo ng Santisima Trinidad, o Tatlong Persona sa iisang Diyos, maski na raw ang lahat ng mga kaparian kaya hindi daw Biblikal ang nasabing doktrina na hindi dapat paniwalaan ninuman.
WALA NGA BANG NAKAKAUNAWA SA MISTERYO NG SANTISIMA TRINIDAD?
Hindi, ang Iglesia ni Cristo ay patay mali sa kanilang haka-haka o guni-guni na walang nakakaunawa sa misteryo ng Santisima Trinidad, o Tatlong Persona sa iisang Diyos.
Sa totoo lang, napakasimpling  unawain ang misteryo ng Santisima Trinidad, o Tatlong Persona sa iisang Diyos.  Ganito iyon.
Ang Diyos ay iisa lamang (cf Rom 3:30; Gal 3:20; San 2:19), at Siya ay Espiritu (cf Jn 4:24).  Mula sa Diyos ay lumabas ang Anak (cf Jn 16:27-30) at ang Espiritu Santo (cf Jn 15:26).
Mula sa iisang Diyos na Espiritu ay lumabas ang Anak na Espiritu at ang Espiritu Santo, kaya ang nag-iisang Diyos ay naging Sangtatlo o Santisima Trinidad.
Napakasimpli, hindi po ba?
ESPIRITU BA ANG ANAK NA SI JESUCRISTO?
Bago maging Tao ang Anak na si Jesucristo Siya ay Espiritu.  Ito ay pinatotohanan ng Juan 1:1-3:
  • Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos. Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya.  (Jn 1:1-3, Bagong Magandang Balita Biblia)
Sangayon sa talata, ang Salita (na walang iba kundi si Jesucristo) ay Diyos, at ang Diyos ay Espiritu, samakatuwid, ang Salita (Jesucristo) na Diyos ay Espiritu.
Nasa anyong Diyos o Espiritu si Jesucristo nang likhain Niya ang lahat ng bagay para sa Diyos na Kanyang Ama (cf Jn 1:3).  Alangan naman na nasa anyong tao si Jesucristo nang likhain Niya ang lahat ng bagay, kaya tiyak na Siya ay nasa anyong Diyos o Espiritu nang likhain Niya ang lahat ng bagay.
Sa katunayan, ang Espiritu ni Cristo ay Siyang nasa propeta noong unang panahon pa:
  • Tungkol sa kaligtasang ito masusing nagsiyasat at nagsuri ang mga propetang nagpahayag tungkol sa kaloob na nakalaan sa inyo. Sinuri nila kung kailan at paano ito mangyayari. Ang panahong ito ang tinutukoy ng Espiritu ni Cristo na nasa kanila nang unang ipahayag nito ang hirap na titiisin ni Cristo at ang karangalang tatamuhin niya. (1Pt 1:10-11, BMBB)
Ang isa pang katunayan na nasa anyong Diyos o Espiritu si Jesucristo ay nang isinugo Siya ng Diyos Ama sa sinapupunan ni Maria upang maging Tao:
  • Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan. (Gal 4:4, BMBB)
  • Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. (Jn 1:14, BMBB)
Kung nasa anyong tao na si Jesucristo nang isinugo Siya ng Diyos Ama kay Maria, bakit kailangan pa niyang maging tao e tao na nga siya?
At saka kung nasa anyong tao na si Jesucristo nang isinugo Siya ng Diyos Ama kay Maria, paano siya magkakasya sa sinapupunan ni Maria?
Sa totoo lang, iyan din ang nakalilitong katanungan ni Nicodemo ayon sa talatang ito:
  • May isang iginagalang na pinuno ng mga Judio. Siya ay si Nicodemo. Kabilang din siya sa grupo ng mga Pariseo. Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, Guro, nalalaman po naming kayo’y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos. Sumagot si Jesus, Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.  Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling isilang? tanong ni Nicodemo.  (Jn 3:1-4, BMBB)
Samakatuwid, nasa anyong Diyos o Espiritu si Jesucristo nang isinugo Siya ng Diyos Ama sa sinapupunan ni Maria upang maging Tao.
DIYOS BA ANG ANAK NA SI JESUCRISTO?
Tunay na Diyos si Jesucristo sangayon sa Diyos Ama mismo:
  • At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya, “Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos.” Tungkol naman sa mga anghel ay sinabi niya, “Ginawa niyang hangin ang kanyang mga anghel, at ningas ng apoy ang kanyang mga lingkod.” Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos (O Anak) ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan.  Katarunga’y iyong mahal, sa masama’y namumuhi; kaya naman ang iyong Diyos (Ama), tanging ikaw ang pinili; higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.”  Sinabi pa rin niya, “Panginoon (Anak), nang pasimula’y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha ng kalangitan.  (Heb 1:6-10, BMBB, diin akin)
Tunay na Panginoon at Diyos si Jesucristo sangayon kay Tomas:
  • Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko! Sinabi sa kanya ni Jesus, Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita. (Jn 20:28-29, BMBB)
Tunay na Diyos at buhay na walang hanggan si Jesucristo sangayon kay Juan:
  • At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo’y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan. (1Jn 5:20, BMBB)
Tunay na Diyos si Jesucristo sangayon kay Pablo:
  • Sila’y nagmula sa mga patriyarka, at sa kanilang lahi nagmula ang Cristo nang siya’y maging tao, Diyos na Kataas-taasan, na pinapupurihan magpakailanman! Amen. (Rom 9:5, Bagong Balita Biblia)
  • Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya’y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. (Fil 2:5-6, BMBB)
  • Habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. (Tito 2:13, BMBB)
Tunay na Diyos at Tagapagligtas si Jesucristo sangayon kay Pedro:
  • Mula kay Simon Pedro, isang lingkod at apostol ni Jesu-Cristo— Para sa inyong lahat na tulad nami’y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. (2Pt 1:1, BMBB)
DIYOS BA ANG ESPIRITU SANTO?
Oo, ang Espiritu Santo ay Diyos sangayon sa patotoo ng mga nakausap Niya:
  • May mga propeta at mga guro sa iglesya sa Antioquia. Kabilang dito sina Bernabe, Simeon na tinatawag ding Itim, Lucio na taga-Cirene, Manaen na kababata ni Herodes na pinuno ng Galilea at Saulo. Habang sila’y nag-aayuno at sumasamba sa Panginoon, sinabi sa kanila ng Espiritu Santo, “Ibukod ninyo sina Bernabe at Saulo. Sila’y pinili ko para sa tanging gawaing inilaan ko sa kanila.” (Gw 13:1-2, BMBB)
  • Mayroon namang mag-asawa na nagbenta rin ng kanilang ari-arian; Ananias ang pangalan ng lalaki at Safira naman ang babae. Subalit nagsabwatan ang dalawa at hindi ibinigay ni Ananias sa mga apostol ang buong pinagbilhan. Kaya’t sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa?  Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos.”  (Gw 5:1-4, BMBB)
Pag sinabing Espiritu Santo ng Diyos, natural Diyos ang Espiritu Santo ng Diyos:
  • At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo’y tutubusin pagdating ng takdang araw. (Ef 4:30, BMBB)
KUNG DIYOS ANG AMA AT DIYOS ANG ANAK, HINDI BA MAGIGING DALAWA ANG DIYOS?
Hindi magiging dalawa ang Diyos sapagkat pinatotohanan ni Jesucristo na Siya at ang Ama ay iisang Diyos:
  • Ako at ang Ama ay iisa. (Jn 10:30, BMBB)
Ang katunayan na iisang Diyos ang Ama at si Jesucristo ay mababasa sa aklat ng Pahayag kay Juan:
  • Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga sumibat sa kanyang tagiliran; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Ganoon nga ang mangyayari. Amen! “Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating. (Pah 1:7-8, BMBB)
Pansinin ninyo na ang Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating  na may sumibat sa kanyang tagiliran ay walang iba kundi ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
Matatandaan na ang Diyos ay Espiritu (cf Jn 4:24).  Kung ang Diyos ay Espiritu, paanong may sumibat sa kanyang tagiliran?
Ang Diyos na Espiritu (o Diyos na may katawang panlangit, cf  1Cor 15:44) ay may sumibat sa kanyang tagiliran sapagkat Siya ay dating naging Tao kaya may katawan Siya na pwedeng sibatin, at Siya ay walang iba kundi si Jesucristo:
  • Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay hanggang sa Araw ng Pamamahinga, dahil natatangi ang Araw na iyon ng Pamamahinga. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali ang mga binti ng mga ipinako sa krus at alisin ang mga bangkay. Pumunta nga roon ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Jesus. Ngunit pagdating nila kay Jesus at makitang patay na ito, hindi na nila binali ang kanyang mga binti.  Subalit sinaksak ng isang kawal ang tagiliran ni Jesus sa pamamagitan ng sibat at agad dumaloy ang dugo at tubig.  (Jn 19:31-34, BMBB)
Dahil iisang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang Ama at si Jesucristo, ipinapangako ni Jesucristo na Siya nga ang paparating na:
  • Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng ito, “Tiyak na nga! Darating na ako!” Sana’y dumating ka na, Panginoong Jesus! (Pah 22:20, BMBB)
KUNG DIYOS ANG AMA AT DIYOS ANG ANAK AT DIYOS ANG ESPIRITU SANTO, HINDI BA MAGIGING TATLO ANG DIYOS?
Hindi magiging tatlo ang Diyos sapagkat pinatotohanan na natin sa itaas na si Jesucristo at ang Ama ay iisang Diyos.
Pinatotohanan din ng Biblia na ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo ay iisa sangayon sa mga talatang sumusunod:
Iisa ang Pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo na nangangahulugan na iisa ang tatlo, o Sangtatlo (Trinity):
  • Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.” (Mt 28:18-19, BMBB)
Ang tatlong Espiritu ng Diyos: ang Ama, ang Salita (Jesucristo), at ang Espiritu Santo, ay iisa sangayon sa mga sumusunod na iba’t-ibang salin ng 1Juan 5:7 sa Ingles:
  • For there are three that bear record in Heaven: the Father, the Word, and the Holy Ghost; and these three are one. (21st Century King James Version)
  • So there are three witnesses in heaven: the Father, the Word and the Holy Spirit, and these three are One; (Amplified Bible)
  • And there are three who give testimony in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost. And these three are one. (Douay-Rheims 1899 American Edition)
  • For there are three, which bear record in heaven, the Father, the Word, and the holy Ghost: and these three are one. (1599 Geneva Bible)
  • For there are three witnesses in heaven—the Father, the Word, and the Holy Spirit, and these three are one. (International Standard Version)
  • For there are three that bear witness in heaven, the Father, the Word, and the Holy Spirit; and these three are one. (Jubilee Bible 2000)
  • For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one. (King James Version)
  • For there are three that bear record in heaven, the Father, the Word, and the Holy Ghost: and these three are one. (Authorized King James Version)
  • There are three who testify in heaven: the Father, the Word, and the Holy Spirit, and the three are one. (Modern English Version)
  • For there are three that bear witness in heaven: the Father, the Word, and the Holy Spirit; and these three are one. (New King James Version)
  • There are three Who speak of this in heaven: the Father and the Word and the Holy Spirit. These three are one. (New Life Version)
  • There are three in heaven who prove it is true. They are the Father, the Word, and the Holy Spirit. These three are one. (Worldwide English New Testament)
  • For three be, that give witnessing in heaven, the Father, the Son, and the Holy Ghost [For three be, that bear witness in heaven, the Father, the Word, or Son, and the Holy Ghost]; and these three be one. (Wycliffe Bible)
  • Because three are who are testifying [in the heaven, the Father, the Word, and the Holy Spirit, and these — the three — are one; (Young’s Literal Translation)
SAMAKATUWID, HINDI TOTOO NA WALANG NAKAKAUNAWA SA MISTERYO NG SANTISIMA TRINIDAD SAPAGKAT NAUUNAWAAN NA NATIN NG BAHAGYA ANG MISTERYONG ITO NG DIYOS.
Pag-aralan ang Santisima Trinidad ayon sa Catechism of the Catholic Church dito: PART ONE – THE PROFESSION OF FAITH