• Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, "Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.”  (Mt 28:18, BMBB)
• Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.” (Mt 28:18, BMBB)
Heto ang palitan namin ng isang INC: 
1459259_167694620107936_1240736460_n
Aquino Bayani:
Ang tunay na iglesia ni Cristo ay Diyos ang Cristo.
Ang mga naglipanang ibat ibang iglesia ni cristo na itinatag ng ibat ibang tao ay pulos peke, kasama na diyan ang tinatag ni felix ysagun.
17 hrs · Like
10968364_384009028436782_6616510958761701045_n
Retorical Zi Akho:
Aquino Bayani.. Gumamit ka po ng Bible verses para po hindi sariling kuro kuro ang nasasabi nyo.. Wala tayong karapatan na baguhin ang testimonya mismo ng Panginoong Jesus “akoy Taong nagsasaysay ng katotohanan” Juan 8:40 sino ang walang paggalang ? Kami ba na naniniwala sa sinasabi nya o kayo na binabago ang kanyang salita.?
13 hrs · Like
(Pinagmulan: Paki-click po dito)
Binabago ba natin ang salita ng panginoong Jesus?
Dahil sinabi ko na “Diyos ang Cristo” kaya pinagbibintangan ako ng Iglesia ni Cristo 1914 na hindi daw ako naniniwala at walang paggalang sa sinasabi ni Jesus na “akoy Taong nagsasaysay ng katotohanan” sa Juan 8:40, kaya dahil diyan binabago ko raw ang salita ni Jesus.
Aba’y mali po ang mga bintang ng INC 1914.  Hindi ko po binabago ang salita ni Jesus sa Juan 8:40 na:
  • Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo’y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito’y hindi ginawa ni Abraham. (Jn 8:40, Ang Bibliya)
Ako po ay siyento porsiyento na sumasangayon sa sinabi ni Jesus na Siya ay “taong sa inyo’y nagsaysay ng katotohanan” sapagkat alam ko na Siya’y likas at tunay na Diyos na kapantay ng Diyos pero hinubad Niya ang pagiging kapantay ng Diyos at naging katulad ng isang karaniwang tao ayon kay Pablo:
  • Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya’y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin.  Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.  (Fil 2:5-7, BMBB)
Sa katunayan, dahil kusang hinubad ni Jesus (na likas at tunay na Diyos) pansamantala ang Kanyang pagiging kapantay ng Diyos at naging katulad Siya ng isang karaniwang tao, magiging sinungaling si Jesus kung ang sinabi niya sa Juan 8:40 ay ganito:
Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na DIYOS sa inyo’y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito’y hindi ginawa ni Abraham.
Bakit naman magiging sinungaling si Jesus kung ang sinabi niya sa Juan 8:40 ay “DIYOS sa inyo’y nagsaysay ng katotohanan”?  Kasi nga kusang hinubad ni Jesus (na likas at tunay na Diyos) pansamantala ang Kanyang pagiging kapantay ng Diyos at naging katulad Siya ng isang karaniwang tao.
Kailan ba naibalik ang pagiging kapantay ni Jesus ang Diyos?
Naibalik ang pagiging kapantay ni Jesus (na likas at tunay na Diyos) ang Diyos pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay kung saan inilibing ang Kanyang katawang panlupa at napalitan ng katawang panlangit at ibinigay na sa Kanya ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa:
  • Ganyan din sa muling pagkabuhay. Ang katawang inilibing ay mabubulok, ngunit di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay; pangit at mahina nang ilibing, maganda’t malakas kapag muling nabuhay; inilibing na katawang panlupa, muling mabubuhay bilang katawang panlangit. Kung may katawang panlupa, mayroon ding katawang panlangit. (1Cor 15:42-44, BMBB)
  • Sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay, ang ating katawang-lupa na may kahinaan ay babaguhin niya upang maging maluwalhating tulad ng kanyang katawan. (Fil 3:21, BMBB)
  • Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.” (Mt 28:18, BMBB)
Kaya nga nang naibalik na ang pagiging kapantay ni Jesus ang Diyos, tinawag Siya ni Tomas na Panginoon at Diyos, at tinawag Siya ni Juan na Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat:
  • Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko! (Jn 20:28, BMBB)
  • Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga sumibat sa kanyang tagiliran; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Ganoon nga ang mangyayari. Amen! “Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating. (Pah 1:7-8, BMBB)
Samakatuwid, mali ang turo ng INC 1914 na ang Panginoong Jesus ay hindi Diyos kasi Siya ay Diyos na nagkatawang Tao, ayon sa mga sumusunod na testimonya ng Bibliya:
  • Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios (Jn 1:1). At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan (Jn 1:14, Ang Biblia).
  • Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos (Jn 1:1). Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan (Jn 1:14, BMBB).
  • Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya’y nagkatawang-tao. (Col 2:9, BMBB)
  • Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya’y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin.  Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.  (Fil 2:5-7, BMBB)
  • Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa. (Rom 9:5, Ang Biblia)
  • At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo’y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo’y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. (1Jn 5:20, Ang Biblia)
  • At sinabi niya kay Tomas, Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka. Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko! Sinabi sa kanya ni Jesus, Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.  (Jn 20:27-29, BMBB)
  • Mula kay Simon Pedro, isang lingkod at apostol ni Jesu-Cristo— Para sa inyong lahat na tulad nami’y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. (2Ped 1:1)
  • Habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. (Tit 2:13, BMBB)
Kaya dapat paniwalaan ng lahat ng tao ang patotoo ng Diyos na Ang Kanyang Anak na si Jesus ay Diyos at Panginoon na lumikha sa sanlibutan at kalangitan:
  • Kung pinaniniwalaan natin ang patotoo ng mga tao, higit nating dapat paniwalaan ang patotoo ng Diyos, at ito ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. (1Jn 5:9, BMBB)
  • Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos a ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan. Katarunga’y iyong mahal, sa masama’y namumuhi; kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili; higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.” Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula’y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha ng kalangitan.  (Heb 1:8-10, BMBB)