Lamsa_Manalo_b
GAWA 20:28 SA SALIN NI GEORGE LAMSA AT SA FILIPINO:
  • Take heed therefore to yourselves and to all the flock, over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the CHURCH OF CHRIST which he has purchased with his blood. (Acts 20:28, Lamsa Translation, emphasis mine)
Mga salin sa Filipino:
  • Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIYA NG CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo. (Gawa 20:28, Lamsa Translation, emphasis mine)
  • Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat kayo ang ginawa ng Espiritu Santo na mga tagapag-ingat nila para pangalagaan ang IGLESYA NG PANGINOON, na binayaran niya ng sarili niyang dugo. (Gawa 20:28, Biblia ng Sambayanang Pilipino, emphasis mine)
  • Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang IGLESIA NG PANGINOON na binili niya ng kaniyang sariling dugo. (Gawa 20:28, Ang Biblia, emphasis mine)
  • Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan. Sa kanila’y inilagay kayo ng Espiritu Santo na mga tagapangasiwa upang pangalagaan ninyo ang IGLESYA NG DIYOS na binili niya ng kanyang sariling dugo. (Gawa 20:28, Ang Biblia 2nd edition, emphasis mine)
  • Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang IGLESYA NG DIYOS, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak. (Gawa 20:28, Magandang Balita Biblia, emphasis mine)
  • Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat sila’y inilagay ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang IGLESYA NG DIYOS na kanyang tinubos sa pamamagitan ng dugo ng kanyang Anak. (Gawa 20:28, Magandang Balita Biblia 2nd edition, emphasis mine)
Nota: ANG MESIAS na kung liliwanagin, ay ANG CRISTO, ay titulo (appellation) ni Jesus (tingnan ang Juan 1:41 sa ibaba).  Kaya ang tamang salin sa Filipino ng CHURCH OF CHRIST ay IGLESYA NG CRISTO o IGLESYA NG MESIAS at hindi IGLESYA NI CRISTO o IGLESYA NI MESIAS.  Ganoon din ang CHURCH OF GOD o CHURCH OF THE LORD na kung isasalin sa Filipino ay dapat IGLESYA NG DIYOS o IGLESYA NG PANGINOON at hindi IGLESYA NI DIYOS o IGLESYA NI PANGINOON.  Kung CHURCH OF JESUS ang pag-uusapan, ang salin niyan sa Filipino ay IGLESYA NI JESUS at hindi IGLESYA NG JESUS.
  • Una niyang nasumpungan ang kaniyang sariling kapatid na si Simon, at sa kaniya’y sinabi, Nasumpungan namin ANG MESIAS (na kung liliwanagin, ay ANG CRISTO). (Jn 1:41, Ang Biblia, emphasis mine)

ANG MESIAS O ANG CRISTO BA AY TAO LANG O DIYOS AYON KAY LAMSA?
Ayon kay George Lamsa, ang Mesias o ang Cristo daw ay Diyos:
  • I TELL the truth through Christ, and I do not lie, my conscience also bears me witness through the Holy Spirit, That I am exceedingly sorrowful, and the pain which is in my heart never ceases. For I have prayed that I myself might be accursed because of Christ for the sake of my brethren and my kinsmen according to the flesh, Who are Israelites; to whom belongs the adoption, and the glory, and the covenants and the law, and the rituals therein, and the promises; Whose are the fathers, from among whom CHRIST APPEARED IN THE FLESH, WHO IS GOD OVER ALL, to whom are due praises and thanksgiving, for ever and ever. Amen. (Rom 9:1-5, Lamsa Translation, emphasis mine)
Sa Filipino:
  • Sasabihin ko sa inyo ang totoo sa harap ni Kristo, nang walang kasinungalingan, at pinatotohanan sa akin ng aking konsiyensya sa Banal na Espiritu: Matindi ang aking kalungkutan at walang tigil ang pagdurusa ng aking kalooban at ako na sana ang isumpa at ihiwalay kay Kristo sa halip ng mga kapatid ko na mga kalahi ko. Israelita sila; inampon sila ng Diyos; nasa kanila ang Luwalhati at ang mga tipan; sa kanila ipinagkaloob ang Batas pati ang pagsamba at mga pangako. Sa kanila ang mga dakilang ninuno; at sa kanila rin ayon sa lahi ni KRISTO NA SIYA NAMANG DIYOS NA DISAKLAW NG ANUMAN.  Purihin siya magpakailanman.   (Taga-Roma 9:1-5, Biblia ng Sambayanang Pilipino)
Bigyang-diin natin ang huling berso:
  • Whose are the fathers, from among whom CHRIST APPEARED IN THE FLESH, WHO IS GOD OVER ALL, to whom are due praises and thanksgiving, for ever and ever. Amen. (Rom 9:5, Lamsa Translation, emphasis mine)
In Filipino:
  • Sa kanila ang mga dakilang ninuno; at sa kanila rin ayon sa lahi ni KRISTO NA SIYA NAMANG DIYOS NA DISAKLAW NG ANUMAN. Purihin siya magpakailanman. (Taga-Roma 9:5, Biblia ng Sambayanang Pilipino)
Mga salin ng Taga-Roma 9:5 sa iba’t-ibang Biblia Pilipino:
  • Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ANG CRISTO AYON SA LAMAN, NA SIYANG LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILANMAN. Siya nawa. (Taga-Roma 9:5, Ang Biblia, diin sa akin)
  • Sa kanila ang mga patriyarka, at sa kanila nagmula ANG CRISTO AYON SA LAMAN, NA SIYANG NANGINGIBABAW SA LAHAT, DIYOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILANMAN. Amen. Siya nawa.  (Taga-Roma 9:5, Ang Biblia 2nd edition, diin sa akin)
  • Sila’y nagmula sa mga patriyarka, at sa kanilang lahi nagmula ANG CRISTO NANG SIYA’Y MAGING TAO, DIYOS NA KATAAS-TAASAN, NA PINAPUPURIHAN MAGPAKAILANMAN! Amen. (Taga-Roma 9:5, Magandang Balita Biblia, diin sa akin)
  • Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ANG CRISTO AYON SA LAMAN, NA SIYANG LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILANMAN. Siya nawa. (Taga-Roma 9:5, Biblia, diin sa akin)
SAMAKATUWID, ANG CRISTO SA IGLESYA NG CRISTO SA TAGA-ROMA 9:5 NI GEORGE LAMSA AY DIYOS AT HINDI ISANG TAO LANG!

BAKIT ANG CRISTO SA IGLESIYA NI CRISTO NI FELIX MANALO AY TAO LANG AT HINDI DIYOS?
Kasi ibang Jesus o Cristo ang ipinapangaral ni Felix Manalo, ang nagtatag ng kultong nanggaling sa Sta. Ana, Manila na pinangalanang Iglesiya ni Cristo na tao lang at hindi Diyos.
  • Nguni’t ako’y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. Sapagka’t kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo’y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo. (2 Mga Taga-Corinto 11:3-4, Biblia)
  • At sinabi niya, Mangagingat kayo na huwag kayong mangailigaw: sapagka’t marami ang paririto sa aking pangalan, na mangagsasabi, Ako ang Cristo; at, Malapit na ang panahon: huwag kayong magsisunod sa kanila. (Lucas 21:8, Biblia)

KAYA IWASAN PO NATIN ANG MGA KULTO PROTESTANTE GAYA NG IGLESIYA NI CRISTO, SAKSI NI JEHOVA, MORMON, AT ANG ISLAM NA ITINATUTUWA ANG PAGIGING DIYOS NG CRISTO JESUS:
  • Nguni’t may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo’y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling.  (2 Pedro 2:1-3, Biblia)
  • Mga minamahal, samantalang ako’y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat, ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal. Sapagka’t may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo.  (Judas 1:3-4, Biblia)
  • Ang mga ito’y mga mapagbulong, mga madaingin, na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita (at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan), nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin. Nguni’t kayo, mga minamahal, ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una’y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo; Kung paanong sinabi sa inyo, Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon, na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita. Ang mga ito ang nagsisigawa ng paghihiwalay, malalayaw, na walang taglay na Espiritu.  Nguni’t kayo, mga minamahal, papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, na manalangin sa Espiritu Santo, Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan.  At ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan; At ang iba’y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba’y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.  (Judas 1:16-23, Biblia)