Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo.  Napasigaw siya sa galak, "Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!  Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?”  (Lucas 1:41-42)  At sinabi niya kay Tomas, Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka.  Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko!  Sinabi sa kanya ni Jesus, Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.  (Juan 20:27-29)
Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?” (Lucas 1:41-42) At sinabi niya kay Tomas, Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka. Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko! Sinabi sa kanya ni Jesus, Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita. (Juan 20:27-29) 
Ang Pagdalaw ni Maria kay Elisabet
  • Makalipas ang ilang araw, gumayak si Maria at nagmamadaling pumunta sa isang bayang bulubundukin sa Judea, sa bahay ni Zacarias. Pagdating doon ay binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, biglang gumalaw ang sanggol sa kanyang sinapupunan at siya ay napuspos ng Espiritu Santo. Napasigaw siya sa galak, “Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan!  Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?”  (Lucas 1:39-43, Bagong Magandang Balita Biblia)
Sino ang Panginoon na dinadala ni Maria sa kanyang sinapupunan?
Siya ay walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos at Anak ni Birheng Maria:
  • Nang ikaanim na buwan ng pagdadalang-tao ni Elisabet, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos sa Nazaret na isang lunsod sa Galilea, upang kausapin ang isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya ay nakatakda nang ikasal kay Jose, isang lalaking buhat sa angkan ni Haring David. Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, “Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon!”
Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap.  Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos.  Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya’y papangalanan mong Jesus.  Siya’y magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasang Diyos. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David upang maghari sa angkan ni Jacob magpakailanman. Ang kanyang paghahari ay pangwalang hanggan.”
“Paano pong mangyayari ito gayong ako’y isang birhen?” tanong ni Maria.
Sumagot ang anghel, “Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo’y banal at tatawaging Anak ng Diyos.”  (Lucas 1:26-35, BMBB)
Si Jesus ba ay Diyos o isang tao lang?
Si Jesus ay likas at tunay na Diyos na kapantay ng Diyos pero hinubad Niya ang pagiging kapantay ng Diyos at ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao:
  • Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit siya’y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos. Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng isang alipin.  Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao.  At nang si Cristo’y maging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.  At dahil dito, siya’y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan.  Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.  At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon.  (Filipos 2:5-11, BMBB)
Hindi na ba Diyos si Jesus nang hubarin niya ang pagiging kapantay ng Diyos at ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao?
Si Jesus ay nanatiling Diyos kahit na Siya’y nagkatawang-tao sapagkat likas sa Kanya ang buong pagka-Diyos:
  • Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at madayang katuruan na hindi kay Cristo nagmula, kundi sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga alituntunin ng mundong ito. Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya’y nagkatawang-tao. (Colosas 2:8-9, BMBB)
Kaya nga tinawag ni Juan si Jesus na tunay na Diyos at buhay na walang hanggan:
  • At nalalaman nating naparito na ang Anak ng Diyos at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos, at tayo’y nasa tunay na Diyos, sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang tunay na Diyos at buhay na walang hanggan. (1Juan 5:20, BMBB)
Tinawag din ni Tomas si Jesus na Panginoon at Diyos:
  • At sinabi niya kay Tomas, Tingnan mo ang aking mga kamay. Ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran at huwag ka nang mag-alinlangan pa, sa halip ay maniwala ka. Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko! Sinabi sa kanya ni Jesus, Naniniwala ka na ba dahil nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.  (Juan 20:27-29, BMBB)
Tinawag din ni Pablo si Jesus na dakilang Diyos at Tagapagligtas:
  • Habang hinihintay natin ang dakilang araw na ating inaasahan. Ito ang pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. (Tito 2:13, BMBB)
Tinawag din ni Pedro si Jesus na makatarungang Diyos at Tagapagligtas:
  • Mula kay Simon Pedro, isang lingkod at apostol ni Jesu-Cristo— Para sa inyong lahat na tulad nami’y tumanggap ng napakahalagang pananampalatayang mula sa ating makatarungang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. (2Pedro 1:1, BMBB)
At higit sa lahat, tinawag ng Diyos Ama si Jesus na Diyos at Panginoon na lumikha ng sanlibutan at ng kalangitan:
  • Ngunit tungkol sa Anak ay sinabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos a ay magpakailan pa man, ikaw ay maghaharing may katarungan. Katarunga’y iyong mahal, sa masama’y namumuhi; kaya naman ang iyong Diyos, tanging ikaw ang pinili; higit sa sinumang hari, kagalakang tanging-tangi.” Sinabi pa rin niya, “Panginoon, nang pasimula’y nilikha mo ang sanlibutan, at ang mga kamay mo ang siyang lumikha ng kalangitan.”  (Hebreo 1:8-10, BMBB)
Samakatuwid, si Maria ay totoong ina ng ating Panginoong Diyos Jesu-Cristo!
Sabi ni Jesus, Mapalad ang mga naniniwala na Siya ay Panginoon at Diyos kahit hindi Siya nakita (cf Juan 20:29).  Kung ganoon, mapalad din ang naniniwala na si Maria ay totoong ina ng ating Panginoong Diyos Jesu-Cristo kahit hindi sila nakita!