Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga sumibat sa kanyang tagiliran; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Ganoon nga ang mangyayari. Amen! "Ako ang Alpha at ang Omega," sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating. (Pah 1:7-8, BMBB)
Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga sumibat sa kanyang tagiliran; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Ganoon nga ang mangyayari. Amen! “Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating. (Pah 1:7-8, BMBB)
Sabi ni Jesus:
  • “Ako at ang Ama ay iisa.” (Juan 10:30, Bagong Magandang Balita Biblia)
Saan ba iisa ang Diyos Ama at ang Panginoong Jesucristo?
Sa totoo lang, hindi mabilang kung saan iisa ang Diyos Ama at ang Panginoong Jesucristo pero ang pinakamahalaga nilang pagiging iisa ay ang kanilang pagka-Diyos.
Ang katotohanan ng Diyos na iyan ay mababasa natin sa aklat ng Pahayag kay Juan:
  • Tingnan ninyo, dumarating siyang nasa mga alapaap at makikita siya ng lahat, pati ng mga sumibat sa kanyang tagiliran; tatangis ang lahat ng lipi sa lupa dahil sa kanya. Ganoon nga ang mangyayari. Amen! “Ako ang Alpha at ang Omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating. (Pah 1:7-8, BMBB)
Sino ba ang darating?
Ang darating ay ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat na may sumibat sa kanyang tagiliran.
Sino ba ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat na may sumibat sa kanyang tagiliran?  Sangayon kay Juan, si Jesus ang may sumibat sa kanyang tagiliran:
  • Noo’y Araw ng Paghahanda, at ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay hanggang sa Araw ng Pamamahinga, dahil natatangi ang Araw na iyon ng Pamamahinga. Kaya’t hiniling nila kay Pilato na ipabali ang mga binti ng mga ipinako sa krus at alisin ang mga bangkay. Pumunta nga roon ang mga kawal at binali ang mga binti ng dalawang ipinakong kasabay ni Jesus. Ngunit pagdating nila kay Jesus at makitang patay na ito, hindi na nila binali ang kanyang mga binti.  Subalit sinaksak ng isang kawal ang tagiliran ni Jesus sa pamamagitan ng sibat at agad dumaloy ang dugo at tubig.  (Jn 19:31-34, BMBB)
 Samakatuwid, iisa ang Diyos Ama at Panginoong Jesucristo na Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat na may sumibat sa kanyang tagiliran at siyang darating.
 Patotoo pa nga ni Jesus:
  • Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng ito, “Tiyak na nga! Darating na ako!” Sana’y dumating ka na, Panginoong Jesus! (Pah 22:20, BMBB)